Thursday, March 2, 2017

Pilipino: Dakilang Mamayan





Diwang Makabayan

By: Raphael A. Sardua




        Mas kinikilala ang mga Pilipino sa buong mundo dahil sa pagmamahal at pagiging mapagmalaki nito sa kanilang bayan. Tinatanggap nila ito ng buong puso at mas pinapaunland ang kanilang mga kultura. Sa kasaysayan ng ating bansa, maraming beses na hinamon ang katapatan at pagmamahal ng mga Pilipino sa bansa nito. Tatlong beses tayong nasakop ng mga dayuhan na binubuo ng mga Amerikano, Hapones at ng mga Espanyol. Sa tatlong mananakop na mga ito, ang mga Espanyol ang pinakamalupit at sinakop nila tayo ng mahigit sa 333 na taon.

       Si Jose Rizal, isang magiting na bayani ng ating bansa na idinaan asng pakikipaglaban sa paraan ng pagsusulat ay isinulat ang El Filibusterismo. Ang El Filibusterismo ay naglalaman ng storya ng pag-aaping mga prayle at ang pagmamalabis ng gobyerno sa kanilang kapangyarihan. Isa sa mga pangyayari na nakaakit sa aking atensyon ay ang pagtatanggol ng mga mamayang Pilipino sa bansa kahit na ay kapalit nito ang buhay nila. Ang pangyayaring ito ay hindi lamang nasa isang Kabanta ng El Filibusterismo kundi napapabilang ito sa marraming Kabanata at ipinapakita sa iba't ibang pamamaraan.

       Sa kasalukuyan ay napapansin pa rin ang ganitong kaugalian ng mga Pilipino. Napakaraming dayuhan ang nagkakaroon ng interest na sakupin ang ating bansa dahil sa kayamanan natin sa natural resources. Isang halimbawa ng pangyayari na ito ay ang illegal na pagontrol at pagsakop ng mga Tsino sa ating mga isla at ang pagnakaw nito sa ating mga natural resources. Nang walang katakot-takot ay ipinagtanggol ito ng mamamayang Pilipino. Sinikap ng mga Pilipino na itaboy ang mga Tsino at sa kasalukuyan ay nakakapunta at nakakapangisda na ulit ang ating mga kababayan sa mga islang ito.

        Sa ating bansa ay mayroon din na mga tao na pinapagtanggol ang ating bansa dahil sa mga sariling interest. Isa dito ay ang kasikatan at iba pa. Naway kinalimutan na nila ang tunay na ibig sabihin ng pagiging makabayan na ang tunay na ibig sabihin ay ang paggawa ng mga bagay para sa ikabubuti ng bayan ng hindi humihingi ng kahit anumang kapalit. Naway hindi sana natin makalimutan ang pagsisikap ng ating mga bayani na nagbigay ng kalayaan sa ating bansa at nag-alaga upang ialay sa mga susunod na henerasyon.

No comments:

Post a Comment